Saturday, July 3, 2010

Joker's Jokes

PACMAN SA BANGKO (pinoyjokes.net)

Mag-wiwithdraw ng money si Manny sa banko.

Manny — Bigyan mo nga ako ng PIN dahil magwi-withdraw ako.
Teller — Dapat ay may sarili na kayong PIN na ginagamit.
Manny– Oo nga pero nakalimutan ko,eh.
Teller– Sorry,sir pero di ko kayo matutulungan.
Manny — Puwede bang lapis ang gamitin ko at hindi na bull pin?

PABILISAN SA PAGLANGOY(pinoyjokes.net)

Mayroong isang contest sa Australia kung sino ang pinaka mabilis lumangoy na tatawid sa ilog na puno ng mga buwaya. Kasali ang amerika, germany, australia at brazil. Ang premyo ay sampung milyon na dolyar. At unang tumalon ang amerikano, patay agad nilapa ng buwaya. Kabado ang australiano dahil sya ang kasunod, tumalon agad ng nasa gitna na siya patay rin kinain siya ng buwaya. Takot na ang kasunod ng biglang may tumalon mabilis at nakatawid sa ilog. Pag ahon nakilala pilipino pala at palakpakan ang mga tao. At ng siya ay interbiyuhin kung ano ang gagawin niya sa premyo, ang sagot ng pinoy ipapahanap ko ang tumulak sa akin at ipapapatay ko.


aplikante

(pinoyjokes.net)

Job interview:
Boss: Ano ang alam mo?
Rommel: Alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis
niyo, at kung saan nakatira ang kabit niyo.
Boss: Tanggap ka na!